PUNZALAN, BAGONG DOH USEC

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang beteranong Department of Health official na si Dr. Elmer Punzalan, bilang bagong Undersecretary ng departamento.

Si Punzalan, na nanumpa sa kanyang tungkulin sa harap ni Health Secretary Francisco Duque III kamakailan ay itinalaga sa Field Implementation and Coordination Team National Capital Region and North Luzon (FICT-NCR and NL).

Pangungunahan din ni Punzalan ang ‘administration and management” kabilang na ang paghawak sa mga reklamo at lahat ng iba pang representasyon at pagpupulong para sa Center for Health Developments, DOH Hospitals at Treatment Rehabilitation Centers sa NCR at NL.

Bukod pa sa pangangasiwaan ni Punzalan ang implementasyon ng Health Facilities Enhancement Program sa nasabing lugar.

Si Punzalan ay recipient ng award o parangal mula University of Santo Tomas bilang isa sa 100 Outstanding Thomasian Scientists.

Kinilala si Punzalan sa kanyang “trailblazing and visionary approach” para mapabuti ang Philippine health system. (CHRISTIAN DALE)

452

Related posts

Leave a Comment