TANKER TRUCK SUMABOG 1 PATAY, 1 SUGATAN

CAVITE – Patay ang isang 49-anyos na lalaki habang sugatan ang isa pa nang sumabog ang isang tanker truck na kinukumpuni ng una sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Isinugod pa sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Juhn Cutaran y Bual, 49, driver at Fabio Abaoag y Viloria, 35, manager ng Camella Subd. subalit namatay habang nilalapatan ng lunas si Cutaran

Ayon sa ulat ni Corporal Gideon Grijaldo ng Trece Martires City Police, dakong alas-7:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa parking area malapit sa Spider gasoline station sa Brgy. Aguado ng naturang lungsod.

Habang inaayos ni Cutaran ang mga butas ng Hino tanker truck na may plakang NDP 1066, nang sumabog ito.

Nabatid na nasa tabi ng biktima si Abaoag habang sinu-supervise ang ginagawa ni Cutaran.

Dahil dito, tumilapon ang mga biktima na nagresulta sa mga pinsala sa kanilang katawan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari. (SIGFRED ADSUARA)

292

Related posts

Leave a Comment