PARI NA BIBILI NG KANDILA, NAWAWALA

DUMULOG na sa pulisya ang pamilya ng Parish Priest ng Most Holy Rosary Parish Church (MHRPC) matapos itong hindi makabalik mula nang umalis para umano bumili ng kandila sa Rosario, Cavite.

Ayon sa kapatid na si Joel Peregrino, alas-9:30 noong Biyernes ng umaga nang umalis si Rev. Fr. Leoben Peregrino y Octavo, 58, sa MHRPC sa Brgy. Poblacion sakay ng puting Mitsubishi Adventure na may plakang VES 470.

Nagpaalam umanong pupunta sa Imus ang pari at bibili ng kandila ngunit hindi na ito nakabalik.

Nananawagan ang pamilya sa mga may impormasyon sa kinaroroonan ni Fr. Peregrino na makipag-ugnayan sa 09178039253 o sa (046)4381785. (SIGFRED ADSUARA)

187

Related posts

Leave a Comment