1 PATAY SA SUNOG SA STA. CRUZ, MANILA

NASAWI ang 55-anyos na Filipino-Taiwanese habang apat ang sugatan sa sunog sa New Antipolo St., Sta. Cruz, Manila, Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, inabisuhan ng mga nakasalubong ang nasawing si Rogelio Esteron, company driver sa Makati City, na nasusunog ang kanilang tirahan pero hindi ito nagpapigil.

Kabilang naman sa apat na nasugatan sina Rosalina Perez at Leonardo Pavilar, at dalawa pang hindi binanggit ang mga pangalan.

Isang may sakit umano sa pag-iisip na tinukoy sa pangalang Leonardo Reboses ang inaresto ng pulisya matapos iturong responsable sa sunog.

Sa pagsisiyasat ni Senior Fire Officer Roderick Andres, nagsimula ang apoy sa kuwarto ng isang Eric Familar, kapatid sa ama ni Reboses.

Ayon sa BFP, nasa 30 istruktura ang nadamay sa sunog at 180 pamilya ang nawalan ng tirahan. (RENE CRISOSTOMO)

232

Related posts

Leave a Comment