WIN STREAK NG ADMU WAWAKASAN NG UST

NI ANN ENCARNACION

PIPILITIN ng University of Santo Tomas ­Growling Tigers na tuldukan ang pagragasa ng reigning champion Ateneo de Manila University Blue Eagles sa pagtatapos ng first round elimination ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament, Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Maghaharap sa ­quadruple-header ang 2-4 win-loss Growling Tigers at perpektong 6-0 Blue ­Eagles sa alas-4 ng hapon.

Huling naglaban ang dalawang koponan noong Season 82 Finals kung kailan nasungkit ng Blue ­Eagles ang kanilang historic three-peat.

Inalat noong Huwebes ang Growling Tigers kontra sa National University Bulldogs, 51-82.

Sa kabilang dako, nasungkit ng Ateneo ang kanilang sixth-straight victory nang tambakan ang University of the East Red Warriors, 94-72.

Ngunit bago ang tapatan ng Ateneo-UST, mauunang umaksyon ang NU Bulldogs laban sa UE Red Warriors sa alas-10  ng umaga.

May 3-3 win-loss record ang Bulldogs, habang wala pa rin panalo ang Red Warriors, 0-6.

Pagdating ng ala-una ng hapon ay ­matutunghayan naman ang face-off ng DLSU Green Archers at ­Adamson Soaring Falcons.

At sa main game sa alas-7 ng gabi ay magtutuos ang bumubulusok na UP Fighting Maroons kontra FEU Tamaraws.

105

Related posts

Leave a Comment