TARGET ng pamahalaan ng magsagawa ng panibagong round ng special vaccination days sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao region simula Abril 21 para itaas ang immunization laban sa COVID-19.
“We are looking at Negros Oriental and Negros Occidental, pinaplano ‘yun sa April 21 at 22. Then, we are looking at Region 12 dahil isa din sila sa mababa [ang vaccination] sa April 25, 26, 27,” ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje
“Meanwhile, special vaccination days in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and other areas such as Palawan, and in Mimaropa and Bicol Regions will be conducted in May,” dagdag na pahayag nito.
Taliwas sa original target na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Pilipino sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30, 2022, sinabi ng NVOC chief na magiging masaya na sila kung maaabot nito ang 77 milyon sa panahon na ito.
Matatandang, sinimulan ng Department of Health (DOH) ang special vaccination days sa Cebu province, Davao region, at Cotabato City mula Marso 29 hanggang 31, at muli itong ginawa sa BARMM mula Marso 30 hanggang Abril 1.
Nito lamang nakaraang Miyerkoles, sinabi ni Cabotaje na may posibilidad na magkaroon ng mini-surge sa COVID-19 cases sa BARMM lalo pa’t 32.28% ng mga residente ang fully vaccinated laban sa coronavirus disease. (CHRISTIAN DALE)
114