PINAGKOKOMENTO ng Supreme Court sa loob ng 10 araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng petisyong humihiling na isailalim ang Pangulo sa pisikal at mental na pagsusuri, kabilang ang hair follicle drug test.
Ayon sa Korte Suprema, inatasan ang mga respondent na magsumite ng komento sa loob ng “non-extendible period of 10 days” mula sa pagtanggap ng abiso, kahit hindi pa nagbibigay ng pinal na aksyon sa petisyon.
Hiniling din sa petisyon na isapubliko ang medical report ng Pangulo upang mapatunayan ang kanyang kakayahang gampanan ang tungkulin.
Una nang naghain ng petition for mandamus si dating Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez laban kay Pangulong Marcos Jr.
Kabilang din sa mga petitioner sina Virgilio Garcia, Juan Raña, at Raymundo Junia.
(JULIET PACOT)
75 