SA sandaling manalo bilang alkalde ng Quezon City, ang gagawin ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa kanyang unang 100 araw ng kanyang termino bilang mayor ay ang pagbasura sa occupational permits na aniya’y dagdag pahirap sa hindi bababa sa isang milyong manggagawa sa nasabing lungsod.
“Right now, workers in Quezon City are forced to spend around P1,000 every year and endure at least a day without work and without pay just so they can renew their local occupational permit. They will be spared from the costly hassle once we abolish the permit,” ani Defensor.
Aniya, sukdulang pahirap ang pag-obliga sa mga manggagawang kumuha pa ng occupational permit na karaniwang kumakain ng ilang araw bago pa mai-proseso bilang polisiya ng QC government bago makapagtrabaho sa lungsod.
Para kay Defensor, bukod pa sa tagal ng proseso, malaking halaga rin aniya ang kailangan ng mga manggagawa bago pa man makapagtrabaho – bagay na dapat umanong tignan ng pamahalaang lungsod na aniya’y di batid ang hirap na dinaranas ng mga mamamayan.
“We maintain that the occupational permit is absolutely unnecessary. It is just one of the many ways by which the local government is unfairly charging fees for minor services so that the incumbent mayor can report huge savings and look good,” diin pa ng kongresistang katunggali ngayon ni incumbent QC Mayor Joy Belmonte.
“Based on our estimate, the city government collects from our workers a total of up to P432 million in annual fees out of the occupational permit. Our workers can keep the P432 million in their pockets once we discard the permit,” dagdag pa ni Defensor.
Sa datos ni Defensor, nagkakahalaga lang ng P170 ang occupational permit sa nasabing lungsod. Gayunpaman, aabutin pa rin ng P1,000 ang gastos dahil sa iba pang kalakip na rekisitos kabilang ang sputum and stool tests, cedula, HIV/AIDS seminar para naman sa local health certificate.
“Pati sa pagdalo ng HIV/AIDS seminar, sinisingil sa mga empleyadong kumukuha ng occupational permit. Pinagbabayad ng P50 bawat isa. Ito ay kalokohan,” deklara ni Defensor
“The local government is obliged to inform and educate the public on all matters affecting their welfare and interest. Why should people have to pay P50 each just to attend a seminar that should be provided for free?”
Lamang kay Belmonte
lalong lumaki
Samantala, lalong lumaki ang kalamangan ni Defensor sa kalaban na si incumbent Mayor Joy Belmonte, dalawang linggo bago ang eleksyon.
Base sa pinakahuling tracking survey na ginawa ng Issues and Advocacy Center noong April 4 hanggang 15, si Defensor ang pinapaboran na mamuno sa Lungsod Quezon matapos itong makakuha ng 54% na mas mataas ng dalawang puntos kumpara noong nakaraang buwan.
Nanatili naman sa 37% ang rating ni Belmonte kaya lalong lumayo si Defensor ng 17% na isang indikasyon na siya ang napupusuan ng mga residente ng Quezon City na mamuno sa kanila.
Maging ang running mate ni Defensor na si Councilor Winnie Castelo ay lumayo rin ang agwat sa katunggali na si incumbent Vice Mayor Gian Sotto matapos itong makakuha ng 51% kumpara sa 34% ng huli.
Nagpapasalamat ang magka-tandem na Defensor at Castelo sa patuloy na suporta ng mga taga-Quezon City.
Ayon sa nasabing survey firm, hindi gumalaw ang rating ni Belmonte matapos makaladkad sa alegasyon na overpriced ang binili nilang COVID-19 pandemic food packs.
Nasampahan na ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman si Belmonte at iba pang pribadong indibidwal dahil sa nasabing anomalya.
Bukod kina Defensor at Castelo na tumatakbo sa ilalim ng Malayang Quezon City coalition, na nakipag-alyansa sa UniTeam nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, ay lamang na lamang din aniya ang anim nilang congressional district candidates sa kanilang mga kalaban. (BERNARD TAGUINOD)
