NIGERIAN HACKER HULI SA BI

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na umano’y sangkot sa cyber-hacking incident noong Disyembre ng nakaraang taon.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Nigerian na si Henry Chidi Obioma, 27-anyos, naaresto ng BI Intelligence agents noong Abril 21.

Si Obioma ay naaresto sa residential area sa Las Piñas City matapos makatanggap ang BI ng impormasyon na nagtatrabaho ito nang walang kaukulang visa at permit.

Ang suspek ay sangkot umano sa online banking fraud na nakapambiktima ng 700 clients ng isang pangunahing banking institution.

Sa isinagawang pag-aresto, si Obioma ay hindi nakapagpresenta ng ano mang immigration documents, naging dahilan para idineklara siyang undocumented alien.

“Scammers and fraudsters are not welcome in the country,” ani Morente. “These aliens will definitely be arrested, deported, and blacklisted for being undesirable,” babala pa niya. (JOEL O. AMONGO)

310

Related posts

Leave a Comment