MAITUTURING na makasaysayan ang pagkapanalo ni Former Senator/President-Elect Bongbong Marcos Jr., dahil nagkaisa na ang taong bayan para sa taong may bisyon at misyon sa isang bayang maunlad at matiwasay.
Biruin niyo mga Igan, lumabas ang mga botante, dahil naniniwala sila sa panawagan ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr. na PAGKAKAISA, at isa na po tayo dun, mga Igan.
Masasabi rin natin na isang history, sapagkat ilang dekada na po ang nakalilipas na walang Presidente at Bise Presidente na magkaisang linya ang nagwawagi.
Binasag talaga ni President-Elect Bongbong Marcos at Vice President-Elect Sara Duterte ang nakagawian na sa Partido, kapag hindi Presidente, Bise Presidente ang nananalo.
Ika nga sa mga naririnig ko, record breaker. At ang maganda sa dalawang opisyal na nagsanib, hindi nito magawang manira sa kanilang mga katunggali. Talagang pagkakaisa ang kanilang layunin.
Kaya sa ilang mga estudyante na sumasali sa rally. Pwede ba TUMIGIL na kayo! tanggapin niyo na lang ang katotohanan na si BBM na ang presidente natin.
Ito ba ang PLAN B niyo? Ang guluhin ang gobyerno? Ang makiisa sa mga komunista? O baka naman nagpapagamit lang kayo sa konting halaga! May ganun!
Naku po! Saan niyo inilagay mga utak niyo? Naturingan kayong iskolar ng bayan. BOBO NAMAN! Pinakitid ang mga utak niyo ng mga DILAWAN. Alam ba ng mga magulang niyo mga ginagawa niyo? Haitz! Sayang ginagastos sa inyo.
Payo ko lang, mga Igan, mag-isip, magmuni-muni, at tanggapin niyo ang katotohanan na ang resulta ay pabor sa nanalong Presidente at Bise-Presidente.
‘Yung sinasabi niyong DAYA. Maghanap kayo ng ebidensya, at pormal niyong ihabla sa COMELEC. Para naman makuntento kayo at manahimik na kayo.
Ambot sa kambing na may bangs!
***
WORLD LEADERS
BINATI SI BBM
NAGPAABOT ng pagbati si United States of America President Joe Biden, gayundin ang kanyang top envoy ng Estados Unidos na si US State Secretary Antony Blinken sa mamamayan ng Pilipinas sa matagumpay na halalan, gayundin sa pagkapanalo ni President-Elect Bongbong Marcos Jr.
Sa kanyang statement, sinabi ni Blinken na bukas ang Amerika, na makipagtrabaho sa bagong gobyerno at patibayin pa ang alyansa ng dalawang bansa.
Bumati rin ang Ambassador of Japan, na nasaksihan din ang halalan ng ating bansa, at nakita na na-exercise talaga ang demokrasya.
Nagpaabot din ng pagbati ang Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay President-Elect Marcos, at Vice President-Elect Duterte.
Aniya pa “I have no doubt that under the next administration, our bilateral relations will only become stronger, our peoples closer and our cooperation deeper and wider.”
Ang pagpapaabot ng mga pagbati ng WORLD LEADERS sa ating bagong Presidente, ay indikasyon ng pakikiisa at magandang samahan ng bawat bansa. Mabuhay and God bless us, all!
218 