Sa ilalim ng administrasyong Marcos E-SABONG HINDI PAPOPORMAHIN

HINDI pa man ganap na nakakaupo bilang ika-17 Pangulo ng Republika, masusi nang pinag-aaralan ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang masamang epekto sa lipunan ng kontrobersyal na e-sabong.

Sa isang pahayag, inamin ni Atty. Vic Rodriguez na tumatayong tagapagsalita ni Marcos, na isa sa mga mga tinatalakay ng susunod na Pangulo ang pagbalanse sa pagitan ng posibleng paghugutan ng kitang kailangan ng pamahalaan para tugunan ang mga pangangailangan ng bansa.

Gayunpaman, may agam-agam aniya si Marcos bunsod ng mga napabalitang masamang epekto ng online sabong sa pamilya, kabataan at maging sa mga simpleng mamamayan.

Paliwanag pa niya, laging higit na matimbang ang kapakanan ng pamilya kumpara sa anupaman kay Marcos na tinawag pa niyang isang lider na maituturing na “old school.”

“He has his thoughts on the e-sabong and he’s also mindful of the social cost so yeah pag-uusapan ‘yan, how to balance ‘yung the need of the government for revenue, especially now he will be faced with P13 trillion debt but at the same time old school talaga itong si president-elect Bongbong, he values family,” ani Rodriguez.

“He’s also looking at the downside of it, which is yung social cost, may mga report na may mga batang nagsusugal na rin… so yan binabantayan niya. Para sa kanya at the end of the day, yung revenue pwede i-let go kung magsasakripisyo naman yung basic unit which is the family,” pahabol pa ni Rodriguez.

Kamakailan lang nang nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa. Isang direktiba na rin ang inilabas ng Department of Interior and Local Government sa Philippine National Police at sa mga local government units (LGU) para sa implementasyon ng tigil-operasyon ng e-sabong.

Gayunpaman, may mga patuloy pa rin ang operasyon ng e-sabong sa ilang lalawigan kabilang ang Pampanga at Negros. (FERNAN JOSE ANGELES)

250

Related posts

Leave a Comment