MAGKUMPARENG TULAK LAGLAG SA PARAK

kulong

SWAK sa karsel magkumpareng tulak umano ng ilegal na droga nang bentahan ng shabu ang isang undercover cop sa buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa Navotas.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Crisanto Francisco alyas “Sant,” 38, ng Oliveros St., at Arnel Acuna alyas “Bakoko,” 49, ng A. Cruz St., kapwa ng Brgy. Tangos North.

Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak ukol sa pagtutulak umano ng dalawa kaya’t isinagawa ang operasyon dakong alas-9:30 ng gabi at dinaluhong ang magkumpare ng mga pulis nang paiskorin ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer.

Nakuha sa pag-iingat ng mga dinakip ang 5.4 gramo ng shabu na may presyong P36,720, at marked money. (ALAIN AJERO)

137

Related posts

Leave a Comment