PINUPOG ng mga manok ng Sabong On Air/RIPPER ang mga nakatunggali upang tanghaling kampeon sa katatapos na HAGIBIS TV 4-Cock Derby na ginanap sa RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna noong Huwebes.
Combined entry nina Ka Rex Cayanong at Richard Perez, umiskor ang kanilang panlaban ng malinis na apat na puntos, tinalo nila ang Gallmantis, Horizon, Team Tabuk Butchoy at B- Swing Daragasa.
Pangalawang sunod na kampeonato na ang kumbinasyon ng RIPPER at Sabong On Air, una ay sa WPC 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum at pangalawa ang nasabing derby na binitawan sa isa sa magagandang sabungan sa Laguna, ang RIPER Sports Mega Cockpit ito’y dahil sa mga VIPs na malalamig.
Malaking bagay ang naitulong nina Jun Robio (handler) at Ian Avila (assistant) sa pagkakapanalo ng RIPER/Sabong On Air habang si Jimboy Simbahan ang Staff Rippers Sports.
Samantala, sa susunod na buwan June 16, ilalarga naman ang 6-Cock Derby Sabong On Air na bibitawan din sa ruweda ng RIPPER Sports Cockpit.
Inaasahang dadagsain ng mga tigasing breeder at sabungero ang pa derby ni Cayanong kaya muling magandang labanan na naman ang masisilayan sa ruweda.
