PARTNERSHIP NG VALZA GLOBAL AT TONINO LAMBORGHINI, INAASAHANG LILIKHA NG TRABAHO SA PILIPINAS

INAASAHANG makalilikha ng mga bagong trabaho para sa mga Pilipino ang partnership ng Velza Global Group at Tonino Lamborghini para sa pagbubukas ng Tonino Lamborghini Rosso Caffè sa Pilipinas.

Ayon kay Ajit Narapareddy, Chief Executive Officer ng Velza Global Group, higit pang pinagtitibay ng bagong kasunduan ang alyansa ng dalawang kompanya, na pinalalawak mula sa luxury beverages tungo sa isang ganap na Italian coffee lifestyle experience sa bansa.

Sinabi ni Narapareddy na bahagi ng plano ng Velza Global Group ang pagpapakilala at pagpapalawak ng konsepto ng TL Rosso Caffè sa merkado ng Pilipinas.

Inaasahan ng dalawang kompanya na makatutulong ang partnership sa pagpapalawak ng kanilang negosyo habang lumilikha ng karagdagang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.

(DANNY BACOLOD)

103

Related posts

Leave a Comment