LIPA CITY HALL BINULABOG NG BOMB THREAT

LIPA CITY – Binulabog ng bomb threat ang Lipa City Hall noong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat ng Lipa City Police, bandang alas-10:45 ng umaga nang makatanggap si P/SSgt. Daryl Sarmiento, Tactical Operations Center duty operator, mula sa anonymous texter, ng mensahe na umano’y may tatlong bombang sasabog sa city hall.

Sinabi pa ng texter na ano mang oras sa nasabing maghapon ay pasasabugin ang bomba at isang guwardiya umano ang inutusan at binayaran ng P150,000 para gawin ang pagpapasabog.

Sinabi rin niyang diretso nang sabihin kay Mayor Eric Africa ang nasabing banta at huwag nang ipakalat pa para hindi mag-panic ang mga tao. Ayon pa sa texter, si Mayor Africa umano at dalawang bagong konsehal ang puntirya ng pagpapasabog.

Ngunit matapos ang paneling and visual inspection sa lugar, idineklara namang ‘clear’ at ligtas sa ano mang kahina-hinalang explosive device ang city hall. (NILOU DEL CARMEN)

302

Related posts

Leave a Comment