Sabit sa Pharmally scam REP. CO MADIDISKARIL SA APPROPRIATIONS COMM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NABUHAY ang isyu ng pagkakasangkot umano sa Pharmally scandal ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co matapos lumutang ang pangalan nito na nag-a-apply bilang chairman ng Committee on Appropriations ng House of Representatives (HoR).

Matatandaan na mahigpit ang pagtutol ng transparency group na Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAGG) para pamunuan ni Co ang Committee on Appropriations dahil batbat umano siya ng anomalya.

Nanawagan ang FLAGG kay incoming Speaker Martin Romualdez na huwag italaga si Co sa naturang komite upang hindi mabahiran ang administrasyon nito sa papasok na 19th Congress.

Naniniwala anila sila sa kakayahan at kalinisan ni Romualdez – tangan ang bandera ng papasok na administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ‘Sama-samang Babangon Muli.’
Para sa FLAGG, upang hindi magkaroon ng bahid ang Marcos administration, dapat maging maingat din si Speaker Romualdez sa kukunin niyang mamumuno sa mga komite.

Mahalaga ang magiging papel ng Kamara at Kongreso sa administrasyon dahil sila ang magsusulong at mag-aapruba ng legislative agenda ng Pangulong Marcos.

Ang Committee on Appropriations naman ang magpapatibay ng mga batas para sa pondo at mahahalagang proyekto na ipatutupad ng pamahalaan.

Kasabay nito, muling ipinaalala ng FLAGG ang diumano’y pagkakasangkot ng kompanya ni Co na Sunwest Corporation sa issue ng Pharmally scandal.

“Kilalang contractor si Co kaya please lang, marami namang matitinong kongresman ang pwede sa Committee on Appropriations. ‘Wag lang si Co,” sabi pa ng FLAGG.

Nauna nang itinanggi ni Co ang pagkakasangkot sa Pharmally scandal, bagaman ang mga naunang pahayag nito ay pinipilit niya na walang nangyaring ‘overpricing’ sa pagbili ng gamot noong kasagsagan ng pandemya.

198

Related posts

Leave a Comment