MAGSASAKA NAG-OBER DA BAKOD, NANGISAY

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos na makoryente sa bakod na kinabitan ng live wire ng may-ari ng farm sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Renato de Torres, 48-anyos, residente ng Barangay Sta.  Monica.

Batay sa report ng Tagkawayan Police, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng mismong may-ari ng farm na si Renato Lacambra, 63-anyos, retired PNP, at residente ng Brgy. Sto.Niño II, Tagkawayan, na nakabulagta sa loob ng compound ng kanyang farm na alagaan ng manok.

Napag-alaman, nilagyan ng kuryente ni Lacambra ang barbed wire na nakapalibot sa kanyang farm at ikinonekta sa main line sa loob ng kanyang bahay para proteksyon umano sa magnanakaw. Subalit wala umanong warning sign na may kuryente ang bakod.

Inaresto ng mga pulis si Lacambra na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (NILOU DEL CARMEN)

1492

Related posts

Leave a Comment