Pito pang kasabwat nabitag din DRUG TRAFFICKER, GUNRUNNER HULI SA CIDG

ARESTADO ang isang hinihinalang drug trafficker at gunrunner, at pitong iba pa sa ikinasang CIDG Flagship Project: OPLAN Paglalansag Omega, OPLAN Big Bertha at Salikop sa Brgy. Culiat, Quezon City noong Hunyo 6.

Ayon sa ulat na isinumite ni CIDG-RFU-NCR director, Police Colonel Randy Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang suspek na si Angelo Santiago y Caballero, 22-anyos.

Kabilang din sa inaresto ang pitong iba pang mga suspek na sina Leonardo Salazar y Celo, 31; Erwin Corpuz y Corteza, 42; Eduardo delos Santos y Lamsen, 38; Rolando Santos y Lamsen, 43; Anthony delos Santos y Lamsen, 45; Francisco de Guzman y Simogan, 43, at Winny Joy Cabatuan y Gonzales, 31.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Sec. 32 ng RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Sec. 11, 12, 13, 14 at 15 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002).

Nag-ugat ang operasyon mula sa ibinigay na impormasyon ng confidential informant na umano’y si Santiago at mga kasabat nito ay talamak sa pagtutulak ng ilegal na droga at mga baril sa erya ng Brgy. Culiat at sa buong Quezon City.

Bunsod nito, ang mga operatiba ng CIDG Quezon City DFU ay nagsagawa ng surveillance operation.

Nang magpositibo ang tip ng informant ay agad nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad sa isang bahay sa No. 35, Iriga St., Brgy. Culiat, Quezon City na nagresulta sa pagkakadakip kay Santiago at sa pitong kasabwat nito.

Nabatid na habang isinasagawa ang gun buy-bust operation ay nakatunog si Santiago na pulis ang kanyang katransaksyon kaya mabilis na tumakas patungo sa nabanggit na bahay kung saan nagsasagawa umano ng pot session ang iba pang mga suspek kaya maging ang mga ito ay inaresto rin ng mga awtoridad.

150

Related posts

Leave a Comment