PDuterte sa mga Pinoy MARCOS ADMIN SUPORTAHAN

(CHRISTIAN DALE)

UMAPELA si outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino na tanggapin ang resulta ng May 9 polls dahil kakailanganin ng mga incoming leader lalo na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kooperasyon at tulong ng mga ito para matiyak ang tagumpay ng bansa.

“President-elect Marcos would need the cooperation and help of everybody. We must give it to him,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Dapat lamang aniyang igalang ng publiko ang desisyon ng mayorya, idagdag pa na ito ang diwa ng demokrasya.

“Pag nagsalita na yung taongbayan kung sino yung mga leader na gusto nila, sunod tayo. Iwasan ninyo ang pulitika,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na dapat lamang magkaisa ang mamamayang Pilipino na harapin ang mga usapin gaya ng COVID-19 health crisis at ang pagpapabilis ng post-pandemic recovery.

“We have no room for politicking or actions that are divisive to the country. Nagsalita na ang tao, may mga lider tayo, and me, wala na ako. I will say nothing,” ayon sa Pangulo.

Mali aniya na batikusin at punahin agad ang incoming administration na hindi pa naman nakapagsisimula na ipatupad ang mga polisiya at programa.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Duterte sa publiko ang “smooth” at “peaceful” transition of power sa kanyang successor.

“As we approach June 30, this administration is both ready and eager to hand over the reins of government to our incoming leaders. I assure everyone that this process will be smooth and peaceful as we want the next administration to succeed for the benefit of country,” ani Pangulong Duterte.

Aniya, tanging sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa at damayan malalagpasan ng bansa at mamamayan ang mga hamon sa bansa.

Samantala, muli namang pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang mga Pilipino sa pagsuporta ng mga ito sa loob ng anim na taon ng kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

211

Related posts

Leave a Comment