50 bagong kaso naitala PINAS MAY 93 OMICRON SUBVARIANT BA.5 CASES NA

NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 50 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.5 dahilan upang pumalo na sa 93 ang kaso nito sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may 38 indibidwal ang mula sa Western Visayas, lima naman ang mula sa National Capital Region, at pito ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Ani Vergeire, isa sa mga tinamaan ay fully vaccinated laban sa COVID-19, ang isa ay unvaccinated, habang ang vaccination status ng natitirang 48 ay bineberipika pa.

Ang isa ay nakapag-develop ng mild symptoms habang ang  49 ay nananatiling bineberipika at maging ang kanilang close contacts.

Kahalintulad ng mga nagdaang kaso, sinabi ni Vergeire, ang exposure ng mga kaso ay nananatiling “unknown” habang bineberipika ng ahensiya ang kanilang travel history.

Nakarekober na ang 41, 4 naman ang sumasailalim sa isolation, habang lima naman ang beripikado.

Samantala, sinabi pa ni Vergeire  na ang bansa ay nakapagtala ng 11 bagong BA.2.12.1 subvariant cases at dalawa pang BA.4 subvariant cases kaya mayroon nang kabuuang 43 kaso nito.

Sa BA.2.12.1 cases, pito ang mula sa Western Visayas at apat naman ang ROFs.

Bineberipika pa rin ang vaccination status, exposure, at travel history  ng mga ito.

Kaugnay nito, 10 naman sa may kaso ang naka-recover na habang isa ang sumasailalim sa isolation.

Isa sa bagong BA.4 cases ay mula sa Western Visayas habang ang  iba naman ay returning Filipino.

Ayon kay Vergeire, may kabuuang tatlong BA.4 cases ang natuklasan sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

247

Related posts

Leave a Comment