3 SWAK SA P3.4M DROGA

LEGAZPI City, Albay — Sa halip na aluminum foil, malamig na rehas ang hinahagod ngayon ng tatlo katang dinakip kasunod ng isang operasyon kontra-droga ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Padang.

Sa imbentaryo ng mga operatiba, abot sa P3.4-milyong halaga ng drogang shabu ang nakuha sa pag-iingat ng mga suspek na kinilalang sina Ryan Arandia na isang mekaniko, 18-anyos na si Helin Fajardo, at 29-anyos na si Don Merwin Santiago na pawang residente sa Purok 5, Barangay Padang, ng nasabing lungsod.

Base sa paunang ulat ng PDEA, dakong alas-5:20 ng hapon nang dakpin ng mga operatiba ang mga suspek bunsod ng timbre ng isang impormante.

Sa imbentaryo ng PDEA, umaboy sa kalahating kilong shabu – katumbas ng P3.4-milyon sa merkado – ang nakuha sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200).

Sa tatlong inaresto, lumalabas na si Arandia, na una nang nakulong at nakalaya kaugnay ng kasong droga, ay bahagi rin ng drug watchlist sa PDEA regional office. (JESSE KABEL)

533

Related posts

Leave a Comment