7 SUNDALO SUGATAN SA LANDMINE

NORTHERN SAMAR – Pitong mga tauhan ng Philippine Army ang nasugatan, dalawa sa kanila ang nasa kritikal na kalagayan nang biglang sumambulat ang hinihinalang roadside bomb na itinanim ng mga communist terrorist sa bayan ng Mapanas sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng Army 8 Infantry Division, isang anti-personnel mine ang pinasabog ng mga NPA habang nagsasagawa ng road clearing operation ang mga sundalo sa Barangay Magsaysay bandang alas-6:15 kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga sugatan ang isang sergeant, apat na privates first class, isang corporal, at isang private na pawang kasapi ng 20th Infantry Battalion (20IB).

Ayon kay Major Gen. Edgardo de Leon, commander ng 8ID, kasama ang nasabing tropa ng 63rd Infantry Battalion (63IB) para magsagawa ng community service sa nasabing bayan nang makatanggap ng ulat hinggil sa umano’y pagtatanim ng bomba ng mga NPA sa area.

“Actually, the troops were on an immersion in the village and they were conducting clearing operations because they received reports that there were mines planted by the rebels,” ani De Leon.

“In the process of the clearing operations, anti-personnel mine suddenly went off and it was planted on the trail where civilians pass by. Luckily, there were no civilians hurt but seven of our troops were injured, two of them were critical,” pahayag pa ng heneral.

Isa sa mga sundalo na may ranggong private first class ang napuruhan sa ulo at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon. (JESSE KABEL)

196

Related posts

Leave a Comment