DALAWANG birthday party ang nangyari sa selebrasyon ng 2nd birthday ng anak nina Pancho Magno at Max Collins na si Skype. Una ay ang birthday party na inihandog ni Max na ginawa sa Resort World na wala si Pancho. Mga ninang at friends ni Max na sina Rhian Ramos at Michelle Dee, ilan mga bisita lang ang nandoon.
Sa ikalawang birthday party na handog naman ni Pancho sa anak ay present si Max sa party na ikinatuwa ng mga nakakita na magkasama ang mag-asawa at kanilang anak. Siguradong masayang-masaya that day, si Skype dahil kasama ang kanyang mga magulang sa kanyang birthday party.
Sa post na ipinost ni Pancho, makikita na panay ang hawi niya sa buhok ng anak, tanda na miss na miss niya ito. Maririnig sa video ang boses ni Max na masaya at pumapalakpak, pero hindi siya nakita sa video.
Mababasa sa mga comments hindi lang pagwi-wish ng happy birthday kay Skype kundi pagwi-wish din na magkabalikan na sina Max at Pancho.
Sa isang banda, marami rin ang hanga at pumupuri sa dalawa dahil maayos ang co-parenting set-up nila sa anak. At tahimik din ang naging paghihiwalay nila kaya walang isyung kaugnay ng kanilang pagsasama kaya tahimik din ang mga tao.
Samantalang marami ang nakapuna na mas lalong sumeksi si Max ngayon kumpara noon na masyadong tahimik at tago ang pagpapaseksi.
Kaya naman hindi kataka-takang sangkatutak ngayon ang naghahangad manligaw sa aktres.
