KYLIE PADILLA MULING PINAIYAK NI ALJUR ABRENICA

HALOS mahigit  isang taon nang hiwalay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica  pero tuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa dahil sa dalawang  anak na lalaki. Hindi rin pinagdadamot ni Kylie ang mga anak na makasama ang ama.

At nitong huli,  literal na muling ‘pinaiyak’ ni Aljur si Kylie sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang video clip ni Aljur kung saan makikita ang panganay na anak na si Alas Joaquin habang ito ay nagsasanay lumangoy sa isang swimming pool.

Habang pinanonood ni Kylie ang video, unti-unti raw pumapatak ang kanyang mga luha at ni-repost ni Kylie ang video na nilagyan pa niya ng komentong;  “Aljur sent this to me today.
Oh my child you put mama in a state of awe. I can only watch you grow into your own human being. Gosh lahat na lang iniiyakan ni mama, huhuhuhu.”

Habang patuloy ang pagtaas ng ratings ng kanyang “Bolera,” tuloy-tuloy na rin ang Kapuso actress sa shooting ng first movie niya together with Kapamilya actor Gerald Anderson, ang “Unravel”.

348

Related posts

Leave a Comment