BARBIE, INAMING NAGING BF SI KIKO

SUMAILALIM sa lie detector test si Barbie Forteza nang tanungin ni Bea Alonzo sa kanyang showbiz career, love life at iba pang personal na bagay.

Na-curious si Bea kung sino ‘yung actor na kinainisan ni Barbie na nakatrabaho nito sa huling show na Mano Po Family Fortune. Finally, inamin ni Barbie na nagkaroon sila ng relasyon ni Kiko Estrada na nakasama niya sa That’s My Amboy, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagmamahalan at hindi naging maganda ang kanilang break-up kaya hindi na sila friends hanggang ngayon.

Inamin din ni Barbie na nagka-crush siya kay Andre Paras na nakasama rin niya sa That’s My Amboy. Kaya lang hindi yun nauwi sa ligawan dahil si Kiko ang nanligaw sa kanya, Naka-isang date lang sila at natapos daw agad ang relasyon.

Pagbubulgar din ni Barbie na pinipili niya ang pagseselosan sa boyfriend na si Jak Roberto. May pinagselosan daw siyang nakatrabaho ng boyfriend pero hindi na niya pinangalanan.

“HIndi ako nagseselos `pagka kunwari yung mga kissing scene, intimate scenes, kasi eksena, Nagseselos ako `pag nagkakayayaan lumabas, outside work.”

Samantalang ang susunod na makakatrabaho ni Barbie ay si Dennis Trillo sa Maria Clara at Ibarra kung saan gaganap siyang makabagong Maria Clara at si Dennis naman ay si Crisostomo Ibarra/Simoun.

Grabe, tatahi-tahimik lang si Barbie pero marami na rin pala itong pinagdaanan pagdating sa tawag ng pag-ibig. Ang tanong si Jak Roberto na kaya ang huli niyang mamahalin at makakasama habambuhay?

509

Related posts

Leave a Comment