SA dami ng offer kay Aga Muhlach para sa serye ay mas pinili at tinanggap nito ang alok ng NET25. Kaya marami ang nagulat at nagtaka kung bakit ang nasabing network ang kanyang pinili.
Nang makipag-meeting ang staff ng serye ay ipinakita kay Aga ang storyline at nagustuhan ito ng actor. Matatandaan sa isang interview noon kay Aga, sinabi nitong madalang na lang siyang gagawa ng movie or serye, Pero kapag maganda ang istorya hindi niya pwedeng palampasin. Bukod sa maganda ang istorya malaki rin ang tiwala ni Aga sa magiging director ng gagawing serye.
Si Antoinette Jadaone ang magdidirek nito sa NET25, Nasunod ang gusto ni Aga na sa Baguio gawin ang kabuuan ng palabas. Espesyal kasi kay Aga ang Baguio dahil dito sila ikinasal ng misis na si Charlene Gonzales. Ang maganda pa sa alok kay Aga nangako ang NET25 na hindi basta ordinaryong serye ang Suntok sa Buwan dahil mala-pelikula ang magiging scope nito at hindi rin titipirin sa lahat ng aspeto.
209
