KAI SOTTO KASAMA SA TEAM NI WARRIORS’ KLAY THOMPSON

NAKIPAGHIWALAY na si Kai Sotto sa kanyang agent na si Joel Bell ng Bell Sports.

Inihayag mismo ng 7-foot-3 center sa kanyang Instagram account na iniwan na niya ang Bell Sports at pumirma sa Wasserman.

Ilan sa NBA players na kabilang sa Wasserman sina Klay Thompson ng Golden State Warriors at Russell Westbrook ng LA Lakers.

Pinangasiwaan ng Bell Sports ang pro career ni Sotto at naging daan para makapaglaro siya sa Adelaide 36ers sa National Basketball League (NBL) sa Australia.

Ngunit nabigo si Bell na matulungan si Sotto na makapasok sa pinapangarap na NBA sa pamamagitan ng 2022 Draft.

Matapos ang NBA Draft, sinabi ni Bell na hindi sasali si Sotto sa Summer League at sa halip ay maglalaro na lang muna sa Gilas Pilipinas.

Kinalaunan, ­pinabulaanan ng Pinoy hoopster ang ­naturang mga pahayag ng kanyang agent.

Matapos ang ilang linggo, inamin ni Sotto wala na siya sa kampo ni Bell at tuluyan nang sumapi sa Wasserman. (ANN ENCARNACION)

287

Related posts

Leave a Comment