2 PRESO NAMATAY SA CAVITE CUSTODIAL CENTER

CAVITE – Dalawang preso ang iniulat na namatay makaraang nakaramdam ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa Custodial Center sa magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City si Bryan Bituel y Sibal, nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas.

Nauna rito, nakaranas ng hirap sa paghinga si Bituel sa kanyang kulungan sa Dasmariñas City Police Station (Isolation 2 Humayao) sa Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City kaya agad isinugod sa ospital dakong alas-12:10 noong Sabado ng hapon.

Sa Bituel ay naaresto sa buy-bust operation noong Enero 19, 2022 at nakulong dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Isinugod din sa Ospital ng Imus City si Roque Villaber y Burgos, nasa hustong edad, nang nakaramdam ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa Imus City Custodial Center, dakong alas-11:25 noong Sabado ng gabi subalit hindi umabot nang buhay.

Hindi binanggit sa ulat kung kailan nakulong at kung ano ang naging kaso ng biktima. (SIGFRED ADSUARA)

246

Related posts

Leave a Comment