Ginapang ng talunang gobernador BRASUHAN SA RESHUFFLE NG COP SA NEGROS OR

(RIZA CASTILLOTE)

GUMANA ang pagpapasiklab ng dating gobernador mula sa Region VII upang magkaroon ng balasahan sa pwesto ng chief of police sa Negros Oriental.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, mistulang brasuhan ang nangyaring reshuffle na iniutos umano ng isang heneral mula sa Philippine National Police (PNP).

Diumano, inimpluwensyahan ng talunang gobernador ng Central Visayas ang kaalyadong heneral para iutos ang balasahan na agad namang ipinarating ng huli sa pamunuan ng Negros Oriental Provincial Police office.

Sa pagtatanong sa Negros Or PPO, lumilitaw na ang talunang gobernador na mahilig umanong kaladkarin ang pangalan ng matataas at maimpluwensyang mga opisyal sa pamahalaan ang siyang gumapang para mapalitan ang pamunuan ng lokal na pulisya sa lalawigan.

Ayon pa sa source, hindi lamang sa ‘namedropping’ magaling ang talunang gobernador kundi mayabang din ito at laging ipinagmamalaki ang kanyang mga kaalyadong matataas na opisyal.

159

Related posts

Leave a Comment