MARAMING SALAMAT PO PBBM SA ‘THANK YOU FRAME’

PUNA Ni JOEL AMONGO

NAKATATABA po ng puso na sa maliit na naiambag natin sa pagtakbo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (PBBM) nitong nakaraang May 9, 2022 national and local elections ay isa tayo sa nabigyan ng pagkilala.

Kamakailan ay may nag-message po sa akin sa cellphone, “Good afternoon, Mr. Amongo! This is (‘di na po natin babanggitin ang name) po from the Office of the President, President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (PBBM) and the First Lady would like to send a ‘THANK YOU FRAME’ for all your help in the campaign. May we ask for an address where we can send this po? Thank you very much”.

Una, ay alanganin po tayo, pero sa kabila ng pagdududa ay nireplayan ko na rin at ibinigay ko na rin po ang aking address na agad namang nagsabi ng “Thank your sir”.

Hindi po tayo nakuntento, inalam po natin ang name ng nag-text sa inyong lingkod na kung saan ay nakumpirma natin na mayroon ngang pangalan na ‘yan sa Office of the President (PBBM).

Heto na, noong Hulyo 16, 2022 ng umaga ay tumawag sa atin ang isang staff ng mataas na opisyal ngayon ni PBBM na dati nating nakakausap noong panahon ng eleksyon at tinanong niya ang address natin para ihatid na nga ang ‘THANK YOU FRAME’.

Nakahinga tayo nang maluwag at nawala ang ating pagdududa na baka raket ang nag-text sa atin at bandang huli ay hingian tayo ng pera.

Bilang isang ordinaryong mediaman at volunteer organizer na gumawa ng PINOY KAMI FOR BBM at chairman ng Media Affairs Committee ng BBM Pilipinas ay wala tayong mapagsidlan sa tuwa na kinilala tayo ng nanalong pangulo (PBBM) ng Pilipinas, sa ating naiambag.

Isa tayo sa nag-suggest nang makausap natin minsan si Sir Martin Araneta (bayaw ni PBBM), noong eleksyon na bigyan ng plake ng pagkilala ang mga lider ng volunteer group na tumutulong sa kanila.

Hindi natin alam na ang suggestion natin ay bibigyan pala ng halaga ng kampo ni PBBM at isa tayo sa mapalad na nabigyan ng ‘THANK YOU FRAME’.

Sa ating mga Pilipino ay napakahalaga po sa atin ang ­pagkilala sa ating mga nai­ambag sa ating kapwa, lalo pa kung ito ay may kalakip na mensahe ng nagbigay at pinirmahan niya.

Narito ang nakalagay sa ‘THANK YOU FRAME’, ­”SAMA-SAMA SA TAGUMPAY!, MARAMING SALAMAT!. Dear Joel, We couldn’t have done this without your support, lagda ni PBBM”.

Bilang isang media practitioner na matagal nang nagko-cover sa nakalipas na presidential elections ay ngayon ko lang naranasan na ang nanalong pangulo ng bansa ay nagbigay ng ‘THANK YOU FRAME’ sa mga ordinaryong mamamayan na tulad ko na nakatulong sa kanila.

Dahil dito, lalo po akong na­niwala na hindi po ako nagkamali ng sinuportahang kandidato nitong nakalipas na eleksyon.

Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay ang Inang Bayan!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0966-429-4612.

231

Related posts

Leave a Comment