8 sasakyan inararo sa Antipolo 2 PATAY, 1 KRITIKAL SA BULUSOK NG TRAK

ANTIPOLO City, Rizal – Dalawa katao ang kumpirmadong patay habang agaw-buhay pa sa pagamutan ang isa makaraang araruhin ng isang rumaragasang 6-wheeler truck a pababang bahagi ng Olalia Road sa Barangay Dela Paz kahapon ng umaga.

Agad na dinakip ng pulisya ang isang Henry Martin na nagmamaneho ng Isuzu truck na may plakang NBE-5794.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hindi na nakontrol ng suspek ang minamanehong trak makaraang lumusot ang preno habang binabagtas pababa ang matarik na kalsada ng Olalia dakong alas 10:20 kahapon ng umaga.

Kabilang sa pumanaw sa naturang aksidente ang isang nagngangalang Maria Dimaligalig na angkas ng motorsiklong minamaneho ng asawang si Tommy Dimaligalig. Hindi naman binanggit sa ulat ng Antipolo PNP ang pangalan ng isa pang rider na nasawi sa naturang aksidente.

Nahaharap naman sa patong-patong na kaso ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Antipolo Police custodial facility. (ENOCK ECHAGUE)

168

Related posts

Leave a Comment