Ni ANN ENCARNACION
KAPWA tatangkain ng San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga na makalapit sa PBA Philippine Cup finals ngayon (Miyerkoles) Game 4 sa Araneta Coliseum.
Sa kasalukuyan ay kapwa lamang na ang dalawang teams (2-1) kontra karibal na Meralco Bolts at Magnolia Hotshots, ayon sa pagkakasunod.
Kung mananalong muli ang Beermen laban sa Bolts sa alas-3 ng hapon, at Tropang Giga kontra.
Hotshots sa alas-6 ng gabi, isang panalo na lang at kapwa uusad na sa finals ang No.1 at No.2 teams ngayong All-Filipino conference.
Matatandaang nalamangan ng SMB ang Meralco, 96-91, noong Linggo, at literal na naisahan ng TNT ang Magnolia, 93-92.
Umaasa si Beermen coach Leo Austria na muling sasandigan ng team si six-time MVP June Mar Fajardo at iba pa nilang “bigs” laban sa Bolts.
Nanguna si Fajardo sa kanilang mga panalo sa Games 1 at 3. Naging katuwang niya rin sina CJ Perez, Marcio Lassiter at Jericho Cruz sa depensa kontra Meralco key players.
Ngunit hindi rin nawawalan ng tiwala si Bolts coach Norman Black sa kanyang mga ‘mandirigma.’
Ayon kay Black, naniniwala siyang kaya nilang labanan ang sarili nilang talento na pinalakas ng kanilang determinasyon na magtagumpay, lalo nga- yong healthy ang lahat ng kanilang players.
