COVID-19 CASES MARAMI HINDI NABIBILANG – OCTA

SINABI ng OCTA Research na mas mataas ang tunay na datos kumpara sa bilang na naiuulat na mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa araw- araw.

Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, mas mataas ang tunay na bilang lalo’t marami ang nagpapa-antigen test.

Aniya, hindi counted sa opisyal na bilangan ang resulta ng antigen test kaya’t paniguradong mas mataas ang tunay na datos kumpara sa nailalabas na data araw- araw.

Sinabi ni David, ang itinatala lamang kasi ay ang mga nagpositibo sa RT- PCR test.
“So ito ay isa sa mga factors pero hindi pa naman napupuno kasi iyong health care utilization sa Metro Manila as of yesterday ay nasa 37. But this is still below 50% na cutoff na para, you know, magiging mas concern tayo. And iyong ICU utilization natin is at 30.5% So, still below 50%,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, kasabay ng nakitang pagtaas ng new COVID cases ay pagtaas din ng health care utilization rate gaya sa Iloilo at Β Lucena. (CHRISTIAN DALE)

212

Related posts

Leave a Comment