Spa may extra service 2 ARESTADO NG CIDG SA HUMAN TRAFFICKING

NAHAHARAP sa kasong human trafficking ang dalawang babae makaraang mahuli sa akto ng mga awtoridad na gumagawa ng extra services ang kanilang mga attendant sa loob ng isang spa sa Quezon City.

Habang 10 kababaihan naman ang nasagip ng operating units kabilang ang dalawang menor de edad.

Ang mga arestado ay kinilalang sina Jennifer Barameda, 32, ng Mangga St., Camarin, Caloocan City, umano’y bugaw at manager ng spa, at Recy Mae Tapalla, 25, cashier, 25, ng Antipolo City.

Ayon sa report, nagsagawa ng OPLAN OLEA at SALIKOP ang mga operatiba ng CIDG RGU NCR kasama ang DSWD NCR, DOLE QC at NCR at IACAT-TIP Center sa LS Aroma SPA/Golden Wellness SPA sa Blk. 4, Vity Plaza 2, Commercial Complex, Brgy. Pasong Tamo, Tandang Sora, Avenue, Quezon City bandang alas-3:55 noong Huwebes ng hapon.

Bago umano isagawa ang nasabing operasyon ay nagsagawa muna ng surveillance operation ang operating units ang nasabing spa at nang magpositibo ay agad sinalakay ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang piraso ng P500 bill, isang gamit nang condom, mga condom, personal lubricants, listahan ng mga kustomer na nagbayad na, therapist attendance log book at ID Card ng arestadong mga suspek.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang may ari-ng LS Aroma Spa na si Airo Joshua Porygal na sinampahan din ng kasong human trafficking.

Ang dalawang arestadong suspek ay nakatakdang iharap sa tanggapan ng Piskalya. (LILY REYES)

617

Related posts

Leave a Comment