Ni ANN ENCARNACION
HULING pagkakataon na para patunayan ng San Miguel Beermen at Meralco Bolts na sila ang karapat-dapat makatapat ng defending PBA Philippine Cup champ TNT Tropang Giga sa finals.
Malalaman ngayong (Miyerkoles) alas-6 ng gabi sa decider Game 7 semifinals sa Smart Araneta Coliseum kung Meralco ba o SMB ang makakaagaw sa kampeonato ng TNT, nauna nang umusad sa finals makaraang talunin ang Magnolia Hotshots sa Game 6 ng kanilang semis series, 88-74, noong Linggo.
Huling nagkampeon ang Beermen noon pang 2019 Commissioners Cup, habang bigo pa rin ang Bolts na makuha ang una nitong titulo.
Kung magwawagi, magiging ika-42 finals appearance na ng SMB ang 2022 Philippine Cup, habang unang beses pa lang sa Magnolia.
Lamang ng isang panalo ang Beermen (3-2) noong Linggo at may pagkakataong mapatalsik ang Bolts, ngunit hindi pumayag si Aaron Black na mangyari ito nang kumamada ng 11 puntos sa huling mga minuto para giyahan ang kanyang team sa 92-96 victory.
Isang tres ni Black, nagtala ng kabuuang 17 puntos, 5 rebounds at 6 assists, ang nagpalamang sa Meralco na sinundan pa ng 3-point play upang makapwersa ng decider Game 7.
“I got screens from Raymond (Almazan) Chris (Banchero) and Cliff (Hodge) and sila ang nagbibigay sa akin ng play. It is the Meralco family that give us the win,” giit ni Aaron.
“He improved a lot in the couple of years. Happy that he carry us tonight. He goes in the picks and the lane, even though we trail by a big margin,” masayang sabi ni Bolts head coach Norman Black patungkol sa anak.
196 