SASAMA na sina Jio Jalalon at Ian Sangalang ng Magnolia sa ensayo bukas ng Gilas Pilipinas, habang hinihintay pa rin ang pagdating nina Kai Sotto at naturalized player Jordan Clarkson.
Marami pang pro players ang inaasahang magpapakita sa Gilas training na puspusan na ang paghahanda para sa nalalabing FIBA qualifying windows sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
Nitong Lunes opisyal na nagsimula ang paghahanda ng national squad sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig. Maliban kay Gilas head coach Chot Reyes, present din sa closed-door training si Barangay Ginebra mentor Tim Cone.
Nakatakdang makasagupa ng Gilas ang 2022 FIBA Asia Cup silver medalist na Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut. Matapos ito ay balik Pilipinas ang koponan para ihost ang game kontra Saudi Arabia sa 29 sa Mall of Asia Arena. (ANN ENCARNACION)
365 