CHOPPER CRASH SA PAMPANGA, 1 PATAY

NASAWI ang piloto habang sugatan ang dalawang aircraft mechanic ng bumagsak na helicopter sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, iniulat ng pulisya at local disaster risk reduction office kahapon.

Kinilala ang piloto na si Diosdado Lumandan habang ang mga sugatan ay sina Ivan Abiong na isang mekaniko at Rodney Esogon.

Base sa imbestigasyon ng Clark Development Corporations public safety, sumailalim sa pagkukumpuni ang 1973 model MD369HS helicopter.

Pagkaraan ay naaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang test flight bandang alas-10:30 ng umaga kaya pinalipad ni Lumandan, 60-anyos ngunit nagkaroon ito ng technical problem dahilan para bumagsak bandang alas-10:45 ng umaga ring iyon. (JESSE KABEL)

232

Related posts

Leave a Comment