SRA BABALASAHIN NI PRES. MARCOS

MAGKAKAROON ng reorganisasyon sa hanay ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng hinarang na planong importasyon ng asukal.

Sa PinasLakas vaccination campaign event sa Maynila, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng rigodon sa nasabing ahensya.

Kaugnay ito ng iligal na pagpirma ng resolusyong importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.

Ayon sa Pangulo, kasado ngayong linggo ang reorganization sa SRA.

Samantala, binanggit di ng Pangulo na magkakaroon ng koordinasyon ang industrial consumers at suppliers ng asukal para malaman ang available na supply ng asukal sa bansa na pwede nang ilabas sa merkado.

At kapag natukoy na kulang talaga ay saka pa lamang magi-import ng asukal.

Una nang sinabi ng Pangulo na posibleng sa buwan ng Oktubre ay mag-import na ng asukal ang Pilipinas na aabot sa 150,000 metric tons ng para sa buong taon ng 2022.

182

Related posts

Leave a Comment