BINATILYO NABITAG SA P.5-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P500,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos na maaresto ang isang 18-anyos na binatilyo sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si Jam Balanon ng Brgy. San Antonio De Padua 2, Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Candaba ng Dasmariñas City Police Station, alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Office (PPO) at Station Anti-Illegal Drugs Operatives, sa Brgy. San Antonio De Padua 2 ng naturang lungsod, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 75 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P510,000 at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Dasmariñas City Custodial Center habang inihahanda ang kaukulang kaso. (SIGFRED ADSUARA)

506

Related posts

Leave a Comment