SUSPEK SA KIDNAPPING SA CAVITE, SUMUKO

CAVITE – Kasama ng mga kamag-anak, sumuko sa mga awtoridad ang isang 56-anyos na lalaki na may kasong kidnapping at serious illegal detention sa Imus City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Si Alvin Miranda y Dumaliang ng Bacoor City, ay sinamahan ng kanyang mga kamag-anak sa pagsuko sa Camp Pantaleon Garcia, Imus City.

Ayon sa ulat ni Corporal Mamol Cunanan ng Imus City Police Station, matapos malaman ng mga kamag-anak ni Miranda na may nakabinbin itong kaso ng kidnapping at serious illegal detention, agad nilang kinumbinsi ang suspek na sumuko sa tanggapan ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Cavite PPO sa Camp Pantaleon Garcia, sa Poblacion-A, Imus City dakong alas-5:00 ng hapon.

Walang inirekomendang piyansa ng korte para sa kaso ng nasabing suspek. (SIGFRED ADSUARA)

370

Related posts

Leave a Comment