MIYEMBRO NG UZMAN DRUG GROUP, NASILO SA BUY-BUST

CAVITE – Nasilo ng mga operatiba ng Cavite police ang isang miyembro ng isang drug group at nasa listahan ng high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Lucman Alangadi y Sario, nasa hustong edad at miyembro ng Uzman drug group.

Ayon sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva Jr., ng Gen. Trias City Police, alas-11:45 ng gabi, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Gen. Trias CPS, sa Brgy. San Francisco Gen. Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 5 gramo at may street value na P34,500, at buy bust money.

Ang Uzman drug group ay ilan lamang sa mga grupo na responsable sa bentahan ng ilegal na droga sa lungsod at kalapit na mga bayan sa lalawigan ng Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

168

Related posts

Leave a Comment