BABAENG OFW PATAY SA PAMAMARIL NG KA-LIVE-IN

PATAY ang isang babaeng OFW na kararating pa lamang sa bansa matapos barilin ng kanyang live-in partner sa Bay, Laguna, Miyerkoles ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Leni Fajardo, 52-anyos, bunga ng mga tama ng bala ng kalibre 45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Bay Police, nangyari ang insidente sa bahay ng kapatid ng suspek na si Ramy Dago sa Barangay Tranca, dakong ala-1:30 ng hapon.

Mula sa kanilang bahay sa Trece Martires City, Cavite, nakituloy umano ang mag-asawa sa bahay ng kapatid subalit pagdating doon ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pamamaril ng lalaki.

Agad din itong tumakas matapos ang krimen.

Ayon kay Major Jose Tucio, hepe ng Bay Police, may kinalaman sa pera at pagseselos ng lalaki ang dalawang tinitingnan nilang motibo sa krimen.
Pinaghahanap pa ang suspek na nahaharap sa kasong murder. (NILOU DEL CARMEN)

135

Related posts

Leave a Comment