Sa pag-aalburoto ng 2 bulkan NOTICE TO AIRMEN PINALAWIG NG CAAP

PINALAWIG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inisyung Notice to Airmen (NOTAM) hanggang kahapon (Oktubre 13, 2022) dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano at ng Mount Bulusan.

Ang naturang Notice to Airmen ay ang B3147/22, B3 147/22 para sa Mayon, kasunod ang B3148, B3 148/22 para naman sa Bulusan Volcano.

Nakasaad sa NOTAM ang mahigpit na pagbabawal sa mga eroplano o ‘flights to operate’ na hindi bababa sa 10,000 libong piye (feet) mula sa bunganga ng mga bulkang ito.

Ito ay upang maiwasan ang ano mang insidenteng sasapitin ng eroplanong daraan malapit sa bunganga ng dalawang bulkan.

Batay sa advisory ng DOST-PHIVOLCS, ang Mayon Volcano at Bulusan Volcano ay nasa Alert Level 2 at Alert Level 1. (FROILAN MORALLOS)

232

Related posts

Leave a Comment