NAILIGTAS ng mga operatiba ng Philippine National Police ang 16 na mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na umano’y biktima ng forced labor.
Sa impormasyon galing sa Southern Police District, kinilala ni P/BGen. Kirby John Brion Kraft, District Director, ang 16 na Thai nationals na biktima ng forced labor, na sina Hasim Komonchanok, Iamphon Anucha, Mathsee Thaweeblamlerd, Khamwisu Darunee, Bunmachu Attaphon, Winai Noito, Sompong Sukyong, Wilaiporn Khasun, Sungnum Pannipa, Khaivigit Kittipong, Yuwamongkol Therapon, Worapattananan Panupong, Chaikla Natthamut, Rachala Mattana, Siriwan Panta, at Jiang Jun.
Napag-alamang humingi ng tulong sa pamamagitan ng sulat na ipinadala, si Minister Counselor Kritreya Lepkao ng Royal Embassy, na addressed sa DI Director at kay SPD District Director P/BGen. Kraft noong Oktubre 13, 2022, nakasaad na nakatanggap umano ang Embassy ng report na mayroong Thai nationals na pwersahang pinagtatrabaho nang lagpas sa work hours pero hindi binibigyan ng overtime pay ng kanilang employer na Shedaikeji Technology (POGO Company).
Hawak ang passports ng 16 na Thai nationals ng kanilang employer na nirerepresenta ng isang Ms. Pablo.
Bunsod nito, ikinasa ng mga awtoridad ang rescue operation sa 16 na Thai nationals sa R6 Fontana Clark Freezone, Pampanga bandang 4:00 madaling araw noong Oktubre 15, 2022. (DAVE MEDINA)
189 