EX-AIR FORCE NAHULOG SA BALON, PATAY

QUEZON – Patay ang isang retiradong miyembro ng airforce matapos na mahulog sa balon habang umiigib ng tubig sa Barangay Sumulong, sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Calauag Police ang biktimang si Edgardo Caguimbal, 54-anyos.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-7:20 ng umaga, nakita na lamang ng kanyang pamilya ang biktima na nasa ilalim ng balon, hindi kalayuan sa kanilang bahay. Wala na itong buhay at hindi na naisugod sa ospital.

Ayon sa misis nito, huling niyang nakitang buhay ang kanyang mister dakong alas-8:00 ng umaga noong Biyernes matapos magpaalam na iigib ng tubig sa kanilang balon. (NILOU DEL CARMEN)

197

Related posts

Leave a Comment