Camp General Alejo S Santos, CITY OF MALOLOS – Isang dating aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kusang loob na sumuko sa Bulacan PNP sa Sampaloc, San Rafael, Bulacan nitong Lunes.
Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO) Director, Col. Relly Arnedo, ang sumukong rebelde na si alias “Ka Biboy”, 35, construction worker, at dating medic officer ng NPA na kumikilos sa bahagi ng Nueva Ecija at Aurora, isa rin siyang aktibong miyembro ng KADAMAY.
Ayon kay Lt. Col. Laurente Acquiot, Force Commander, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), sumuko si Ka Biboy bandang alas-9:30 noong Lunes ng gabi sa joint elements ng 1st and 2nd Bulacan PMFC, 24th SAC PNP SAF, at 70th IB Philippine Army (PA).
Isinuko rin ni Ka Biboy ang kanyang armas na isang caliber 9mm pistol, magazine at isang hand grenade.
Sabi ni Arnedo, si Ka Biboy ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bulacan 2nd PMFC para sa imbestigasyon at custodial debriefing. (ELOISA SILVERIO)
