5.0 MAGNITUDE LINDOL SA CAMNORTE RAMDAM SA NCR

NARAMDAMAN hanggang sa ilang parte ng Kamaynilaan ang pagyanig ng magnitude 5.3 na lindol sa Tinaga Island, Camarines Norte kahapon.

Natigil ang mga aktibidad sa gusali ng Senado sa Pasay City kabilang ang pagdinig ng Commission on Appointments nang maramdaman ang lindol bandang ala-una ng hapon.

Agad naglabasan ang mga kawani at mambabatas at nagsibalik lamang sa kani-kanilang tanggapan nang humupa ang pagyanig.

Batay sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol dakong ala-1:05 ng hapon na may  lalim na isang kilometro.

Naitala ang episentro nito 19 kilometro hilagang-silangan ng Tinaga Island.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Mercedes at Jose Panganiban sa Camarines Norte; Intensity 4 sa Daet, Camarines Norte; at Guinayangan, Polillo, Quezon.

Intensity 3 sa Ragay, Pili, Iriga City sa Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca sa Quezon; Intensity 2 sa Tabaco sa Albay; Dingalan sa Aurora; Batangas City sa Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, at San Ildefonso sa Bulacan; Sagnay sa Camarines Sur; Carmona sa Cavite; Marikina City, Pasig City sa Metro Manila; Gapan City sa Nueva Ecija; Pinamalayan sa Oriental Mindoro; Guagua sa Pampanga; Infanta sa Pangasinan; Dolores, Infanta, at Calauag sa Quezon; at Taytay, Tanay sa Rizal.

Intensity 1 naman sa Legazpi City sa Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Dona Remedios Trinidad sa Bulacan; Tagaytay City, Ternate sa Cavite; Candon sa Ilocos Sur; Calamba, Los Banos sa Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City sa Metro Manila; Mapanas sa Northern Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City sa Nueva Ecija; Calapan City sa Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, sa Quezon; at Angono, Morong, Antipolo, Cainta sa Rizal. (PAOLO SANTOS)

296

Related posts

Leave a Comment