CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pamamaril sa isang 31-anyos na lalaki sa harapan ng kanyang bahay sa Bacoor City noong Huwebes ng madaling araw.
Nilalapatan ng lunas sa SMAC Hospital ang biktimang si Francis Rose John Calabucal, 31, ng Brgy. Molino 6, Bacoor City sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan.
Ayon sa ulat ni Corporal Marco Romero Cupo ng Dasmariñas City Police, nangyari ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw makaraang kumatok sa pintuan ang suspek.
Binuksan ng biktima ang roll-up na pintuan at pag-angat nito ay tumambad sa kanya ang suspek na walang sabi-sabing bumaril sa kanya.
(SIGFRED ADSUARA)
