BALASAHAN SA MPD PARA SA MAS PINATIBAY NA TUNGKULIN

MAS pinatibay na tungkuling gagampanan ang isinagawang balasahan sa pitong mataas na opisyal ng Manila Police District kamakailan ni District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon.

Base sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), binalasa ni General Dizon ng limang station commander at dalawang opisyal sa Headquarters.

Mula sa Station 1, pinalitan ni Police Lieutenant Colonel Willy Fabros si Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr. na itinalaga namang commander ng Station 2 sa Moriones, Tondo.

Habang si P/Lt. Col. Jonathan Villamor na commander ng Station 7, ay humalili kay P/Lt. Col. Ramon Czar Solas na dating nasa Station 3, at si P/Lt. Col. Leandro Gutierrez ang itinalagang station commander ng Station 3.

Habang si Villamor ay itinalagang Deputy Chief ng District Mobile Force Batallon (DMFB) sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Julius Añonuevo, na binakante naman ni Fabros.

Samantala, sa Station 5 na binakante ni Gutierrez , humalili si P/Lt. Col. Gilbert Cruz at ang dating station commander ng Station 2 na si P/Lt. Col. Jorge Meneses ay itinalagang Deputy Chief ng Directorate for Investigation and Detective Management Division ( DIDMD) ( D2) sa pamumuno ni Police Lieutenant Orlando Mirando Jr.

Layunin ni General Dizon na laging pairalin ang peace & order, discipline and professionalism sa kanyang pamumuno.

Ayon sa direktiba ni Dizon, ang limang station commander at dalawa pang opisyal ng MPD ay mananatili sa kanilang bagong assignment upang panatilihin ang seguridad at tiyakin ang walang-patid na kampanya kontra kriminalidad at droga at pinalakas na “police visibility” sa lungsod at ipatupad ang disiplina at maayos na pakikisalamuha sa bawat isa lalo na sa pagbibigay ng kalidad na serbisyo para sa ating mga kababayan.

(RENE CRISOSTOMO)

389

Related posts

Leave a Comment