EARTHQUAKE DRILLS ISINAGAWA SA BOC

KASUNOD ng insidente ng lindol kamakailan, nagsagawa ng earthquake drills sa Bureau of Customs Main Office sa Port Area Manila sa pakikiisa ng mga em­pleyado nito.

Ang earthquake drills sa BOC ay iniimplementa para sa kaligtasan at health protocol na nakalinya sa kasa­nayan sa mga pamamaraan sa nasabing drills.

Ang Safety and Health Officers (SHO) ay nagsagawa ng mga inspeksyon sa mga gusali at opisina para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng mga empleyado nito.

Bukod dito, ang BOC ay proactive na tumutugon sa nasabing panawagang lumahok sa earthquake drills bilang pangako sa pagbibigay prayoridad sa ‘safety and welfare’ ng kanilang mga empleyado sa oras ng emergencies.

Naging kalakaran na sa lahat ng mga ahensya at opisina ng gobyerno na taon-taon ay magsagawa ng earthquake drills para ma­ging handa sila sa oras na may nangyaring paglindol sa kani-kanilang mga lugar.

Base sa pahayag ng mga eksperto, sa sandaling mangyari ang tinaguriang “The Big One” na pinangangambahang pinakamalakas na lindol na minsan nang tumama sa iba pang mga bansa, ay maaa­ring magdulot ito ng mara­ming pagbubuwis ng buhay ng mga tao at pagkapinsala sa mga ari-arian sa bansa.

Kung kaya’t taon-taon ay nagsasagawa ng earthquake drills ang Bureau of Customs at iba pang tanggapan nito sa buong bansa, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio.

(BOY ANACTA)

218

Related posts

Leave a Comment